Tiisin Mo Lang Ang Hirap

Mas pipiliin ko maghirap huwag lang sa Diyos mawalay
Tatahakin ko ang landas na makitid na daan
Daang tungo sa buhay na walang hangan
Daang doon sa dulo si Hesus ay naghihintay

At doon ang aking buhay ay magpapatuloy
Walang hangang walang katapusan
Sa piling ni Hesus ating Panginoon
Sasambahin siya't paglilingkuran
Titisin ko lang ang hirap kaybigan

Sa mundo ang buhay ay walang katiyakan
Di mo alam kung bukas hininga mo pa'y nandiyan
Ngunit ang mahalaga si Kristo ang kasama
Anumang oras bawian ka sa langit ang punta

At doon ang buhay mo ay magpapatuloy
Walang hangang walang katapusan
Sa piling ni Hesus ating Panginoon
Sasambahin siya't paglilingkuran
Tiisin mo lang ang hirap kaybigan

Kaya ang hamon ko sayo ay magtiis ka lang
Pagkat sa dulo ng buhay na 'to ginhawa ay nandiyan
Magpatuloy kang maglingkod sa ating may kapal
Pagtapos ng iyong pagpapagal may gantimpalang nakalaan

At doon ang buhay mo ay magpapatuloy
Walang hangang walang katapusan
Sa piling ni Hesus ating Panginoon
Sasambahin siya't paglilingkuran
Tiisin mo lang ang hirap kaybigan

Doon ang ating buhay ay magpapatuloy
Walang hangang walang katapusan
Sa piling ni Hesus ating Panginoon
Sasambahin Siya't paglilingkuran
Tiisin mo lang ang hirap kaybigan

Tiisin mo lang ang hirap kaybigan
Tiisin mo lang ang hirap kaybigan



Credits
Writer(s): Bobby Arcenal John
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link