Alalahaning Kalimutan

Kay bilis ng takbo ng oras
Kay dali ng paglipas ng panahon
Parang kailan lang, hawak-hawak mo ako
'Di namalayan ang iyong paglaho

Alam mo ba'ng iniwan mong gulo sa 'king isipan?
Bakit bigla na lang lumisan at ika'y nang-iwan?
Ang bilis mong makalimot, sa lamig, ako'y natakot
Isa lang ang tanging gagawin ng puso ko
Na ngayon ay nag-iisa

Alalahaning kalimutan ka na
Kahit 'di mo sinadya, ngunit ito'y ginawa mo na
'Di akalaing dito mapupunta
Biro lang pala tuwing sinasabi mong "Mahal kita"
Kaya ngayon, aalalahanin kong kalimutan ka na

Alam mo ba'ng iniwan mong gulo sa 'king isipan?
Ano ba'ng kasalanan ko sa 'yo at mga pagkukulang?
Siguro'y puwede namang napag-usapan
Hindi 'yung bigla-bigla na lang aalis at mang-iiwan

Alalahaning kalimutan ka na
Kahit 'di mo sinadya, ngunit ito'y ginawa mo na
'Di akalaing dito mapupunta
Biro lang pala tuwing sinasabi mong "Mahal kita"

Kaya alalahaning kalimutan ka na
Kahit 'di mo sinadya, ngunit ito'y ginawa mo na
'Di akalaing dito mapupunta
Biro lang pala tuwing sinasabi mong "Mahal kita"
Kaya ngayon, aalalahanin kong kalimutan ka na

Aalalahaning kalimutan ka na



Credits
Writer(s): Trisha Denise Campaner
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link