Ang Totoo

Aaminin ko na sa 'yo, minsan talaga'y matigas ang ulo ko (ows?)
Pero 'pag mahal kita, sorry, lalong hihirap ang usapan
Hindi dahil sa galit ako, hmm
Kundi dahil alam kong matitiis mo ang ugali ko

'Di ba't sabi nila (sabi nila), kapag nakilala mo na kung sino siya
Ay mamahalin mo kahit 'di siya perpekto (kahit 'di siya perpekto)

Sinasabi ko lang naman sa 'yo kung sino talaga ako
At kung 'di mo matanggap (hey) ay okay lang
Ngunit akala ko'y tatanggapin mo kung ano ang totoo
'Di mo babaguhin kung sino ako
Kung 'di mo matanggap (hey) ay okay lang (okay lang)
Hindi kawalan kapag nawala ka

Hmm, hindi kawalan (hindi kawalan)
Hindi kawalan (verse two)

Mahaba ang pasensiya ko
Kahit mag-away tayo'y patatawarin kita ('di ba?)
Asahan mo rin ang pag-ibig ko
Kapag binuhos ko na ay todo-todo, hindi ako nagbibiro

Sinasabi ko lang naman sa 'yo kung sino talaga ako
At kung 'di mo matanggap (hey) ay okay lang
Ngunit akala ko'y tatanggapin mo kung ano ang totoo
'Di mo babaguhin kung sino ako
Kung 'di mo matanggap (kung hindi?) Ay okay lang (okay lang)
Hindi kawalan kapag nawala ka (eh 'di, wala)

Ah (ha-ha, hay)
Hindi kawalan (kung ayaw mo)
Hindi kawalan (eh 'di, 'wag mo)

Minsan, sasabihin kong "oo" kahit na hindi
Mabilis akong magtampo, 'di nagtitimpi
Alam kong malabo akong kausap
Pero pagdating sa pag-ibig, seryoso
Hindi malabo, dahil

Sinasabi ko lang naman sa 'yo kung sino talaga ako
At kung 'di mo matanggap ay okay lang
Ngunit akala ko'y tatanggapin mo kung ano ang totoo
'Di mo babaguhin kung sino ako (hey)
At kung 'di mo matanggap ay okay lang
Hindi kawalan kapag nawala ka



Credits
Writer(s): Trisha Denise Campaner
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link