Kasalanan Ba

Tulala sa isang tabi at 'di mapakali
Ating nakaraan minumuni-muni
'Di lubos maisip bakit nagkalayo
Kaya ngayon ako'y isang bigo

Nagkulang ba ako sa iyo
Kaya tayo ngayo'y nagkalayo?
Walang nagawang kasalanan
Kung 'di ang nagmahal sa 'yo nang lubusan

Ako'y may natutunan sa 'king karanasan
Mali ang magmahal agad nang lubusan
Pigilan ang damdamin kung kailangan
Upang 'di masaktan kung ika'y iiwanan

Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay s'ya pa'ng nililisan?

Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay s'ya pa'ng nililisan?

Ako'y may natutunan sa 'king karanasan
Mali ang magmahal agad ng lubusan
Pigilan ang damdamin kung kailangan
Upang 'di masaktan kung ika'y iiwanan

Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay s'ya pa'ng nililisan?

Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay s'ya pa'ng nililisan?

Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan?
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan?
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan?



Credits
Writer(s): Timmy Trono
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link