Musika Ang Daan

Isang gabing 'di malimutan
Barkada ay nagkasayahan
Mga pangarap ang pinag uusapan
Gintong pangarap ang inaasam

Sa kagustuhang pangarap ay makamit
Nagkaisa ang aming barkadahan
Musika ang gawing gabay at daan
Upang pangarap namin ay makamtan

At ang grupo ay nagkasubukan
Ang bawat isa'y nagpakita nang kakayahan
Lahat kami nagkaisa
Sa musika pinaguusapan

Lahat kami may natutunan
Na sa musika ang mundo'y magkakaisa
Musika ang gawin nating daan
Upang kapayapaa'y ating makamtan

Musika ng pagmamahalan
Musika ang may saya't kalungkutan
Musika ang gawin nating daan
Upang ang mundo'y matutong magmahalan

Paano natin tunay na makakamtan
Itong ating hangad na kapayapaan
Alisin natin ang galit sa isipan
Ang awit na ito sa puso ika'y laman



Credits
Writer(s): Jameson Tan, Jun Lladoc
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link