Magpahinga

Kulang pa yata'ng 24 oras sa 'kin
Sa mga problema kong mas marami pa sa mga bituin
Ayoko namang magpatalo, pero
Ba't parang ubos na ubos na ako?

Ang sabi mo, "Dito ka lang sa 'kin
Magpahinga muna, lalabanan din
Mga dambuhalang 'di maubos na problema
Malapit na, pero 'di rin kasalanang magpahinga"

Kulang pa yata'ng 'sandaang taon, ba't nakakulong pa rin?
'Di ko na ba maaabutan lahat ng mga gusto kong gawin?
Ayoko namang magpatalo, pero
Siguro pagod na pagod lang ako

Ang sabi mo, "Dito ka lang sa 'kin
Magpahinga muna, lalabanan din
Mga dambuhalang 'di maubos na problema
Malapit na, pero 'di rin kasalanang magpahinga"

Magpahinga ka lang muna
'Wag nang pigilan ang luha

Dito ka lang sa 'kin
Magpahinga muna, lalabanan din
Mga dambuhalang mga pasanin
Lapag mo lang muna, kakayanin din
Kumapit ka, sinta, matatapos ang problema
Malapit na, pero 'di rin kasalanang magpahinga



Credits
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link