Lunod (feat. Zild & Juan Karlos)

Nalulunod sa pangangamba
Puno na ang baga, pasuko ka na
Sa'n ka kakapit kung malalim na?
Ang sabi ay "Arte lang 'yan" (oh-oh-oh-oh)

Nalulunod sa pangangamba
'Di mo alam kung may pangtustos pa
Nagkaubusan na ng pangmedisina
Ang sabi'y "Bahala ka na"

Ang pagkakalunod ay nararanasan mo na ba?
Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila

Nalulunod sa pangangamba
Mga parusang 'di humuhupa
Sa'n ka kakapit kung malalim na?
Ang sabi'y "Mababaw lang 'yan"

Ang pagkakalunod ay nararanasan ng iba
Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila, hmm

Nalulunod sa pangangamba
Dahan-dahan, ako'y lalangoy na
Ooh, sisisirin hanggang makarating ka
Sa ginhawang itinadhana

Sa ginhawang itinadhana
'Di na muling malulunod pa



Credits
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link