Sakay

Malamig na ang hangin
Maganda ang tanawin pero sa 'yo nakatingin
Sa'n mo ba 'ko dadalhin
Sa'n mo ba 'ko dadalhin
Pero bahala na rin

Kung saan makarating, uh
Basta kasama ko pa rin ang
Siyang babae na walang kupas ang dating at
Walang problema kung salitan sa manibela
Basta 'wag kang matutulog sa kwento akong bahala at
Kung ang ingay sa kalsada ay 'di mo trip

Tumingin sa bituin
Nagniningning doon sa langit
Para satin dahil para sa'tin ang gabi na 'to
Isabay sa pagsakay ang tugtugan natin sa Stereo

Sabihin mo sa 'kin ang mga tanong
Na dahilan kung ba't 'di makatulog sa gabe
'Wag ka mahiya kasi
Hindi tayo nagmamadali
Masyadong maliwanag ang mga poste sa daan
Tutal traffic naman, hinto na muna sa bilihan kung saan
Makakakain kahit pantawid
Ika'y aking pagmamasdan

Habang iniisip ko ang mga pwedeng puntahan
Kahit 'di sigurado kung sa Edsa ay uusad pa ang sasakyan
Pabayaan dahil gano'n talaga
Sana gabi nalang parati
Pabor pa ako d'yan, ganda
Mahaba-haba ang oras ngayong gabi
Ngunit mabilis kapag masaya 'yan ang laging sabi-sabi
Pero wala kong pake
Basta ang importante 'wag kang aalis saking tabi
Kasi

'Yoko maligaw 'pag wala nang ikaw
Sundo kita lagi lang abot tanaw
Ako pagdating sa 'yo ganado
Sana lagi tayong gan'to
Kasi ikaw ang
Aking tahanan na lagi na nand'yan
Kung minsan 'pag 'yung trip lalakad sa kawalan
Lalaban sa lahat lalapit pa sa 'yo hahalik at hahagkan
Sa 'yo ay maging tapat

Ikaw lang ang nag-iisa
Hindi ka na mag-iisa
Sa paglalakabay sa mundo sawi
Pwede ba na ako ang iyong kasama
Ikaw na nga ba?
Ikaw na sana
Tanong sa tala
Tayo na ba talaga ang tinadhana

Ng langit
Kahit mahirap alamin alangin
'Di na kailangan sabihin bulong na lang sa hangin
Mga bugtong ng pag-ibig
Sigaw ng mga damdamin
'Di natin alam kung sa'n tayo dadalhin

'Yung speaker hihinaan ko na lang muna
Sana gan'to na lang lagi ka-traffic, eh, no
Para marami pa tayong mapagkwentuhan
Wala lang

Handa kong makinig sa 'yo walang pake kung maligaw
Pumunta kahit saan
Basta kasama ay ikaw, hey
Basta kasama ay ikaw

Handa kong makinig sa 'yo walang pake kung maligaw
Pumunta kahit saan
Basta kasama ay ikaw
Basta kasama ay ikaw



Credits
Writer(s): Yukihiro Rubio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link