Pantalan, Pt. 1

Araw araw kitang iniisip
Pinipilit alamin kung ano ang 'yong panaginip
Huling sambit mo ng paalam sakin naka silip sa bintana
Ng kotse ako'y papalayo sa langit
Sana di rin ka mainip
Ika'y naghihintay palagi
Hinahanap sa dami dami na langgam ang nag-iisa na hari
Malayo man ang lipad
Bumabalik ang kalapati
Pag wala ang iyong ngiti
Hindi maganda ang tanawin
Mas madalang pa sa minsan ang pagdalaw
Susulitin bawat hangin
Kay tagal na panahon ang hinintay
Di bibitawan ang kamay ikaw ay akin
Panalangin na maging masayang kwento at halimbawa
Numero uno kong mahal si nanay ikaw pangalawa
Mga ala-ala lagi ko yang dala dala
Paggagala ng aking isip di pinansin mga babala
Malayo man ang biyahe tiniis
Sayo ako patungo
Ikaw ang bakasyon ko
Malayo man ang biyahe mabilis ang panahon oh ikaw
O ikaw nanaman
Tagal natin di nagkita ang sarap mo talaga na tignan
Isang taon nanaman ang lumipas
Pagkagising ko abril nanaman
Malayo sa syudad ako'y ligaw
Ikaw pa din ang aking uuwian
Tapos na ang tag-ulan
Bilis ng panahon
Bakasyon wala nang kulang
Sayo lang ayos na yon
Ayos na yon
Sayo lang ayos na yon
Ayos na yon
Sayo lang ako kahit ilang kilometro pa ang layo
Matatawag mo na dayo pero malinis aking layon
Masaya maging ako pag sa paglalakbay
Tayo ay sabay na maglalayag basta ang isa't isa ang sanctuario
Pasensya ka na
Masyadong mainit ang panahon
Wag daw akong lumabas ng bahay
Sabi nila
Sana payagan ako at ikaw para makatambay tayong dalawa
Magkwentuhan sa lilim tungkol sa mga
Kinatatakutan
Pinagiipunan
Naniniwala ka ba sa mga
Pinapakulam
Ginagayuma
Pati walang ulo na matatanda
Ano ang pangarap mo
Takot din ako sa mga daga
Pero baka kilala ko ang mga paborito mo na banda mga
Pelikula na nagpaluha sayo ng paulit-ulit
Sulit sulit bente na dala wala nang pero't ngunit
Rekta na't walang palugit
Do it lang tayo ng do it
Sandali na kinupit pwede pa ba na humirit?
Ayoko lang masayang ang bawat sandali
Wag mapakali
Kaya dahan-dahan lang sapagkat nasa atin na ang gabi
Malayo man ang biyahe tiniis
Sayo ako patungo
Ikaw ang bakasyon ko
Malayo man ang biyahe mabilis ang panahon oh ikaw
O ikaw nanaman
Tagal natin di nagkita ang sarap mo talaga na tignan
Isang taon nanaman ang lumipas
Pagkagising ko abril nanaman
Malayo sa syudad ako'y ligaw
Ikaw pa din ang aking uuwian
Tapos na ang tag-ulan
Bilis ng panahon
Bakasyon wala nang kulang
Sayo lang ayos na yon
Ayos na yon
Sayo lang ayos na yon
Ayos na yon
Pero ang totoo
Nalulungkot ako
Dahil minsan lang
Sana dito nalang ako everyday
Yoko na sa amin masyadong stress dun bae
Sayo nalang ako para maenjoy ang waves
Enjoy ang waves
Enjoy ang waves
Sana dito nalang ako everyday
Yoko na sa amin masyadong stress dun bae
Sayo nalang ako para maenjoy ang waves
Enjoy ang waves
Enjoy ang waves
Sana dito nalang ako
Yoko na dun sa amin masyadong
Everyday
Enjoy ang waves



Credits
Writer(s): Yukihiro Rubio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link