Isang Himala

Kamusta kana
Nararamdaman parin kita
Naririnig mo ba ako
Humihiling sa Diyos
Nang isang himala
Isang himala

Na'san kana
May gusto sana akong itanong
Nakikita mo ba ako
Tingala sa langit
Nag-aabang ng himala
Isang himala

Bawat araw kitang hinahanap
At sa gabi na may panaginip ka
Kung pwede bang ibalik ang nakaraan
Ipararamdam ko sa'yo
Na minamahal kita

Hangga't may buhay pa ako
Ipaglalaban ko ang ngalan mo
Bigyang laya ngayon ang puso mong
Kinulong ng panahon
Hiling sa bituin
Binigay ng langit
Isang himala

Pasensya kana
Di nabigyan ng pagkakataon
Na sabihin sa'yo
Laman ng puso
Kailangan pa ba ng himala
Isang himala

Dahil sa'yo ako'y lumaban
Dahil sa'yo naging matapang
Kung kaya ko lang ibalik
Ang nakaraan
Ipararamdam ko sa'yo
Na minamahal kita

Hanggang may buhay pa ako
Ipaglalaban ko ang ngalan mo
Bigyang laya ngayon ang puso mong
Kinulong ng panahon
Hiling sa bituin
Binigay ng langit
Isang himala

Na makasama ka
Mayakap man lang
Anong ligaya ang madarama
Makita ka lang
Muli tayong magkatagpo
Di na magkalayo
Naniniwala ang aking puso

Hanggang may buhay pa ako
Ipaglalaban ko ang ngalan mo
Bigyang laya ngayon ang puso mong
Kinulong ng panahon
Hiling sa bituin
Binigay ng langit
Isang himala



Credits
Writer(s): Miguel Medoza Iii
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link