Nagkulang At Bumitaw

Mali ba ang magmahal ng tapat
Bakit kailangang may maiwan
'Di pa ba sapat ang lahat
Bakit palaging may kulang

Madami namang pwedeng dahilan
Pwede namang hindi sumuko
Gawa na lang tayo ng paraan
Maayos lang muna natin 'to

'Di ko naman gusto ang ganito
Bakit kailangang may lumayo
Ano ba talga ang nais mo
Handa ko namang ibigay sa'yo

Sino ba ang nagkulang
Bakit kailangang may bumitaw
Kung napagod ka sa'kin
Pwede naman tayong sumandal
Walang dapat sisihin sa'tin
Kung meron mang nasakatan
Huwag ka lang bumitaw
Huwag ka lang umayaw
Nandito lang ako
Nagmamahal sa'yo

Kulang ba ang binigay na sapat
Sa akin ba'y hindi kuntento
Kailangan mo pa bang itimbang
Pag-ibig na inalay ko sayo

Ba't ang bilis mo namang magpasaya
Ipagpapalit mo na lang ba ang dating saya
Wala na bang halaga ang lahat
Dito na ba matatapos lahat

Sino ba ang nagkulang
Bakit kailangang may bumitaw
Kung napagod ka sa'kin
Pwede naman tayong sumandal
Walang dapat sisihin sa'tin
Kung meron mang nasakatan
Huwag ka lang bumitaw
Huwag ka lang umayaw
Huwag ka lang bumitaw
Huwag ka lang umayaw
Nandito lang ako
Nagmamahal sa'yo

Kung ito man ang huli
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita



Credits
Writer(s): Juan Antonio Gabata Seguiente
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link