Huli Na

Nakita kitang nakangiti
Bitbit mo'y mga rosas
Kulay pula at puti
Tila ika'y may hinihintay

Biglang may lumapit sa'yo'ng
Di ko mamukhaan
Hinawakan ang iyong kamay
At sabay humakbang pasulong
Naranasan ko nang mamatay

Kung mas maaga kong inamin
Ang sigaw nitong damdamin
May pag-asa ba kayang ika'y maging akin
Sadyang ako'y salat sa tapang
At palaging inuunahan ng kaba
At ngayo'y pag-aari ka na ng iba

Sa ika-sampung pahina
Ng aking lumang kwaderno
Ibunuhos lahat ng saloobin ko sa iyo
Simula pa no'ng una kitang makilala

Ika'y sinisinta ko sa aking paningin
Sa oras ng aking pagtulog
Ako'y laging gising
Sa mundo kung saan palagi kitang kasama

Kung mas maaga kong inamin
Ang sigaw nitong damdamin
May pag-asa ba kayang ika'y maging akin
Sadyang ako'y salat sa tapang
At palaging inuunahan ng kaba
At ngayo'y pag-aari ka na ng iba

Nasa huli ang pagsisisi
Di maaaring bumalik sa dati
Noong pwede pa
No'ng mag-isa ka pa
No'ng may panahon pa

Kung mas maaga kong inamin
Ang sigaw nitong damdamin

Kung mas maaga kong inamin
Ang sigaw nitong damdamin
May pag-asa ba kayang ika'y maging akin
Sadyang ako'y salat sa tapang
At palaging inuunahan ng kaba
At ngayo'y...
At ngayo'y...
At ngayo'y pag-aari ka na ng iba



Credits
Writer(s): Jonathan Sibay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link