Sa Mga Paano Kung

Kung maging kuto ako
Mamahalin kaya?
At hahanap-hanapin ba
Kung maging hangin ako bigla?

At kung magkataon man na pareho tayong dalawang
Paruparong lumilipad, malaya
Ewan ko lang kung may sapat na panahon ka pa
Para talakayin ang sagot sa mga "paano kung" na nagmula

Sa ibang sansinukob na salungat sa tibok ng puso nating dal'wa
Sana'y 'di ka magsawa sa paulit-ulit na pagbungad ko sa umaga
Aminin mong masaya, sana'y laging kasama
Sa hirap at sa...

Kung maging libag ba ako
Magiging bimpo ka?
Para bagay pa rin kahit ano'ng mangyari
Alam mong babalik pa

At kung magkataon man na pareho tayong dalawang
Paruparong lumilipad, malaya
Ewan ko lang kung may sapat na panahon ka pa
Para talakayin ang sagot sa mga "paano kung" na nagmula

Sa ibang sansinukob na salungat sa tibok ng puso nating dal'wa
Sana'y 'di ka magsawa sa paulit-ulit na pagbungad ko sa umaga
Aminin mong masaya, sana'y laging kasama
Sa hirap at sa ginhawa, oh

Na-na-na, na-na, na-na

Sa ibang sansinukob, sa ibang daigdig kung saan ay akin ka
Wala nang hahanapin pa, ako'ng maglalagay ng bulaklak sa 'yong tenga
Kay gaan mong pagmasdan at makasama ka
Sa hirap at sa...



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link