Dama De Noche

Dama, lumalalim ang gabi
Magsasabi ka kung 'di mo na kinakaya
Dama, nararamdaman kita
Manhid na'ng mga mata sa gabi-gabing pagbisita ng kalungkutan

Paniwalaan mo ang 'yong sarili
Kaya mo na magningning sa gitna ng dilim

Dama de Noche ang ngalan mo
Nagliliwanag sa humihimbing na mundo
Uusbong ang 'yong talulot, 'di malulugmok
Ikaw si Dama de Noche sa masalimuot mong takbo

Dama, masdan mo'ng iyong ganda
Hinahawi ang lamig at pait ng problema
Ang halimuyak mong hatid sa akin
Ang siya kong aninag sa gitna ng dilim
(Oh, la, la, la, la)

Dama de Noche ang ngalan mo
Nagliliwanag sa humihimbing na mundo
Uusbong ang 'yong talulot, 'di malulugmok
Ikaw si Dama de Noche sa masalimuot mong takbo
Ikaw si Dama de Noche sa masalimuot mong takbo

Dama de Noche ang ngalan mo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link