Ilapit - Instrumental

Ako, O Diyos, ay Iyong iniibig
Kahit kailan ito'y 'di magmamaliw
Kahit saan man magtungo, rinig ang 'Yong puso

Ikaw lamang ang hanap-hanap ko
Kahit saan himig Mo'y inaawit
Ang buhay ko, ang puso ko'y laan lamang sa 'Yo

Ilapit Mo ako
Sa puso Mo, Panginoon ko
Akapin, manahan Ka
Sa akin, sa akin

Sa piling Mo, ligaya'y walang hanggan
Ang bukas ko ay puno ng pag-asa
Ang nais ko'y kasama Mo habang buhay

Ilapit Mo ako
Sa puso Mo, Panginoon ko
Akapin, manahan Ka
Sa akin, sa akin

Ako'y 'di iiwan, pababayaan o bibitawan
Higpit ng 'Yong yakap, haplos ng pag-ingat
'Di bibitawan

Ilapit Mo ako
Sa puso Mo, Panginoon ko
Akapin, manahan Ka
Sa akin, sa akin

Nadarama ko
Higpit ng mga yakap Mo
Sa akin

Psalm 63:1-3
O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap
Ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas
Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan
At ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan
Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay
Kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan



Credits
Writer(s): Apollo Yadao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link