DNPAP - Instrumental

Ako'y namamangha sa 'Yo, Panginoon
Binago Mo ang buhay ko
Natapos ang unos

'Di magbabago, Ikaw ang awit ko
Mahal Kita, aking Diyos
Ikaw ang buhay ko

Ibinulong Mo sa akin
Ako'y Iyong itinatangi
Sa piling Mo, Hesus
Ako'y mahihimbing

Ikaw, O Diyos, ang nagbangon sa akin
Ang ilaw sa aking dilim
Nadarama dalisay Mong pag-ibig
Ikaw lamang ang aking sasambahin
'Pagkat Ika'y natatangi
Ikaw ang Diyos ng pag-asa at pag-ibig

'Di mangangamba, Ika'y kapiling na
Kasama Ka sa t'wina
Lahat makakaya

Ibinulong Mo sa akin
Ako'y Iyong itinatangi
Sa piling Mo, Hesus
Ako'y mahihimbing

Ikaw, O Diyos, ang nagbangon sa akin
Ang ilaw sa aking dilim
Nadarama dalisay Mong pag-ibig
Ikaw lamang ang aking sasambahin
'Pagkat Ika'y natatangi
Ikaw ang Diyos ng pag-asa at pag-ibig

Minamahal Kita, sinasamba Kita
Gamitin Mo ang buhay ko
Para sa kaluwalhatian Mo

Minamahal Kita, sinasamba Kita
Gamitin Mo ang buhay ko
Para sa kaluwalhatian Mo

Ikaw, O Diyos, ang nagbangon sa akin
Ang ilaw sa aking dilim
Nadarama dalisay Mong pag-ibig
Ikaw lamang ang aking sasambahin
'Pagkat Ika'y natatangi
Ikaw ang Diyos ng pag-asa

Ikaw, O Diyos, ang nagbangon sa akin
Ang ilaw sa aking dilim
Nadarama dalisay Mong pag-ibig
Ikaw lamang ang aking sasambahin
'Pagkat Ika'y natatangi
Ikaw ang Diyos ng pag-asa at pag-ibig
Ikaw ang Diyos ng pag-asa at pag-ibig



Credits
Writer(s): Jeniffer Villanueva
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link