Nag-Iisa

Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
At ang araw, naglalaho sa takipsilim
Habang ang lahat ng isip, humihimlay
Aking isip ay iyong gagambalain

Doon kita matatagpuan
Naglaho bigla ang kalayaan
Ika'y nakakulong sa isipan

Ako'y mag-isa
Ngunit ika'y kasama
Nag-iisa nang may kasama kita
Habang tayo'y nag-iisa

Dahan-dahan kong nadadama, haplos ng bawat salita
Tila ito'y 'sang anyaya upang damhin ka at yakapin ka

Doon kita matatagpuan
Naglaho bigla ang kalayaan
Ika'y nakakulong sa isipan

Ako'y mag-isa
Ngunit ika'y kasama
Nag-iisa nang may kasama kita
Habang tayo'y nag-iisa

Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim

Doon kita matatagpuan (matatagpuan)
Naglaho bigla ang kalayaan
Ika'y nakakulong sa isipan

Ako'y mag-isa
Ngunit ika'y kasama
Nag-iisa nang may kasama kita
Habang tayo ay nag-iisa
Nang may kasama
Nag-iisa nang may kasama kita
Habang tayo'y nag-iisa



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link