Katabi

'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi

'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya
Kaya iwasan mo nang manghusga

Teka muna, teka lang, sandali
Teka muna, 'wag ka namang magmadali
'Di naman lahat ng bagay at pangyayari ay
Kailangan ng iyong opinyon at masasabi
Teka muna, bago buksan ang bibig
Tumahimik muna, maupo, makinig
'Di naman lahat ng pumapasok sa isipan ay ang
Pinakamataas na katotohanan
'Di naman kailangan ng buong mundong malaman
Ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran
At hindi naman kailangan na lahat ay makikinig
Sa sasabihin
Ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan
Ang pinagdadaanan ng makasalanan mong kapwa
Tulad mo

'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya
Kaya iwasan mo nang manghusga

'Pag may nakitang basurero
Sasabihin ng nanay, tatay mo
"Anak, mag-aral kang mabuti upang 'di ka matulad sa kanila"
Alam n'yo ba kung ba't s'ya nagresolba
Sa pagbabasura?
Dahil kung 'di mo naman alam, 'wag ka ngang gan'yan
Lahat ng tao, may kan'ya-kan'yang konstekto
Na malalaman mo lang kung galing sa kan'ya mismo
Kaya huwag kang makinig sa sabi-sabi ng iba
Kung ako sa'yo, mas pipiliin ko nang tumingin
Sa kabutihan ng mundo bago ko pa pansinin ang mali
Ng aking katabi

'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya
Kaya iwasan mo nang manghusga

Bago pa man ako matapos dito sa aking sinusulat
Ang aking tanging hiling na lahat tayo ay mamulat
Susunod na may makitang 'di minimithi
'Di na mangungunang manuro ng daliri
Ayoko rin naman nu'ng tipong nagmamarunong
Gusto ko lamang tumingin ka sa sarili't magtanong
Tama bang pumulot ng bato't batuhin
Mga taong nagkakasala lamang din?
'Di naman kailangan ng buong mundong malaman
Ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran
At hindi naman kailangan na lahat ay makikinig
Sa sasabihin
Ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan
Ang pinagdadaanan ng makasalanan mong kapwa
Tulad mo

'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya
Kaya iwasan mo nang manghusga

'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya, ooh
Kaya iwasan mo nang manghusga

Iwasan n'yo na ang manghusga

Credits
Writer(s): Earl Generao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link