Lason

May tumatawag sa telepono ang sabi niya "Hoy!"
"Magpakilala ka sa 'kin" ang sabi ko
"Boy, magpakilala ka, magpakilala ka"

Ako ito ang sarili mong nalilito
Kinakain na ng galit at mga pagkabigo
Kung hindi ko natutunan na umibig, sana
'Di sana ganito, 'di sana

Ang lagi kong hawak ay alak (alak)
Pangit na lagi ang balak
Nais ko sanang tumawag
Pero bakit ba parang 'di kaya?

Ba't ba ako nandirito? Ano ba ang mali ko?
Hawak ko ay baso na may lasong pampahilo
('Wag mong itatapon ang alak o ibato 'yan,
Ang pakiramdan na ito ay sakyan)

Ba't ba ako nandirito? Ano ba ang mali ko?
Hawak ko ay baso na may lasong pampahilo
('Wag mong itatapon ang alak o ibato 'yan,
Ang pakiramdan na ito ay sakyan)

May tumatawag sa telepono ang sabi niya "Hoy!"
"Magpakilala ka sa 'kin" ang sabi ko
"Boy, magpakilala ka, magpakilala ka"

Mag-uumaga na pero 'di pa ako tulog
Nangangamba ako sa tawag ng kutob
Dumudugong damdamin ay nais kong isalin
Pero hindi na magagamot ang pag-ibig mo't dalangin
Ba't ba ako nandirito? Ano ba ang mali ko?
Daliri sa gatilyo, hawak ko ay baso na may lasong pampahilo

Ba't ba ako nandirito? Ano ba ang mali ko?
Hawak ko ay baso na may lasong pampahilo
('Wag mong itatapon ang alak o ibato 'yan,
Ang pakiramdan na ito ay sakyan)

Ba't ba ako nandirito? Ano ba ang mali ko?
Hawak ko ay baso na may lasong pampahilo
('Wag mong itatapon ang alak o ibato 'yan,
Ang pakiramdan na ito ay sakyan)



Credits
Writer(s): Jerald Laxamana Mallari
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link