Biktima

Napanaginipan ko
Lumaya na daw sa mundo
Ako, may dala-dalang mga bagay na 'di gusto

Mga materyal na gawa ng sistemang 'di makabura
Ng aking mali, mas lalo lang napadali
Bahala ka, 'yan ang sabi ng gwardya
'Di ko naman 'to gusto
Ako ay 'di timang

'Di ko naman 'to gusto
Lahat tayo ay biktima
Ah

Bahala ka sa buhay
Mata laging mapungay
Mahaba na ang sungay
'Di kana natuto
Sa bote sumususo
Ano mapapala mo d'yan, boy?

Kahapon pa gising
'Di ka pa nalalasing
Alam mo na'ng paparating
Alam mo na darating
Malapit ka nang umuwi
Malapit ka na umuwi, eh

Hayaan mo sila
Tayo ay biktima
'Di ko naman 'to gusto
Pasensya ka na sa sinapit natin dito
Pare-pareho lang naman, 'yan ang sabi nila
Oo, pare-pareho tayo do'n mapupunta
'Di ko naman to gusto
Pero bakit ang langit, parang laging may galit sa 'tin

Kahit ihinga mo ng malalim
'Di ka na maririnig ng langit
'Di ko naman 'to gusto
Pero bakit kahit malalim ang hukay, basta't may ganid at kupal
Tayo ang talo sa buhay
Tayo ang talo sa buhay

Napanaginipan ko
Lumaya na daw sa mundo
Ako, may dala-dalang mga bagay na 'di gusto

Tayo ay, tayo ay, tayo ay, tayo ay
Tayo ay, tayo ay, tayo ay, tayo ay
Tayo ay, tayo ay, tayo ay, tayo ay
Tayo ay, tayo ay, tayo ay, tayo ay



Credits
Writer(s): Jerald Laxamana Mallari
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link