Pugon

Rehas sa bintana
Kandado sa pinto
Hindi kriminal
Pero daig pa ang bilanggo

Sila'y manggagawa
Sadyang piniit
Sa hirap at gutom, dusa at sakit
Hanggang isang araw,
Malagim ang sinapit

Naghahanap-buhay
Sa hanapbuhay sila namatay
Nagliyab itong kahon
Kinulong at binaon
Naabo sila doon
Sa pabrikang naging pugon

Rehas sa bintana
Kandado sa pinto
Hindi kriminal
Pero daig pa ang bilanggo

Naghahanap-buhay
Sa hanapbuhay sila namatay
Nagliyab itong kahon
Kinulong at binaon
Naabo sila doon
Sa pabrikang naging pugon



Credits
Writer(s): The Strike
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link