Paano Ka Iibigin? (feat. Sem. John Chester Manalo, Meisters Chorale & Kenosis Chorale)

Tumawag sa'king pandinig
Isang natatanging himig.
Mapang-akit Iyong tinig
Pag-ibig bawat pintig.
Ngunit anong isasambit
Sa labis Mong pang-aakit?
Akala ko ay madali
Dahil Ikaw ang pinili.

Paano Ka iibigin
Ng isang tulad kong aba?
Paano ko iibigin
Ang isang tulad Mong banal?
Sa muka ng aking kapwa,
Sa piling ng mga dukha,
Sa tulad kong aba
Iibigin Kita.

Ako ay Iyong inako
Noong ako ay sumuko.
Patuloy Mong hinawakan
Ang minsan kong binitawan.
Sa munti Mong pag-suyo
Agad na akong susuko,
Pagkat ang tanging alay Mo
Pag-ibig na walang anino.

Paano Ka iibigin
Ng isang tulad kong aba?
Paano ko iibigin
Ang isang tulad Mong banal?
Sa muka ng aking kapwa,
Sa piling ng mga dukha,
Sa tulad kong aba
Iibigin Kita.

Paano Ka iibigin
Ng isang tulad kong aba?
Paano ko iibigin
Ang isang tulad Mong banal?
Sa muka ng aking kapwa,
Sa piling ng mga dukha,
Sa tulad kong aba
Sa tulad kong aba
Sa tulad kong aba
Iibigin Kita.



Credits
Writer(s): Joshua Ramos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link