Isang Loob

Panginoon ko tulungan Mo akong
Sambahin ang ngalan Mo
Sundin ang loob Mo
Puso'y palayain sa sariling nais
Nang ako sa Iyo'y maging isang loob

Ang nais ko'y naisin Ka
Ibigin Ka, walang iba
Mula sa'Yo, uuwi sa'Yo
Sa puso Mong tahanan Ko

Panginoon ko turuan ang puso
Piliin Kang totoo, magmahal lagi sa'Yo
Puso'y palayain sa sariling nais
Nang ako sa Iyo'y maging isang loob

Ang nais ko'y naisin Ka
Ibigin Ka, walang iba
Mula sa'Yo, uuwi sa'Yo
Sa puso Mong tahanan Ko

Ang nais ko'y naisin Ka
Ibigin Ka, walang iba
Mula sa'Yo, uuwi sa'Yo
Sa puso Mo, sa Puso Mo, Sa puso Mong tahanan ko



Credits
Writer(s): John Paul Morales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link