Magkunwari ('Di Man Tayo) (TODA One I Love Official Soundtrack)

Kumusta na?
Hindi mo ba nakikitang wala
Akong mabibigay sa 'yo?
Kundi ang pusong
Nangungulila at hindi susuko
Kahit ano'ng sabihin mo

Isipin man nilang ito'y mali
Basta't nandito ka sa 'king tabi

'Di man tayo ay magkunwari
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang, sabihin mong ako'y mahal mo rin

Halika na
Hindi ko kakayaning mag-isa
Walang mahihiling sa 'yo
Kundi pangako
Hindi na iisipin pa'ng sumuko
Tayo'y hindi na hihinto

Isipin man nilang ito'y mali
Hindi na aalis sa 'yong tabi

'Di man tayo ay magkunwari
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang, sabihin mong ako'y mahal mo rin

Ika'y mahal pa rin

Ano man ang pagsubok, ako'y 'di susuko
Ano man ang daanan, ikaw ang tahanan
Ikaw ang ligaya sa hirap ng buhay ko

'Di man tayo ay magkunwari
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang, sabihin mong ako'y mahal mo rin

('Di man tayo ay magkunwari) ika'y mahal pa rin
(Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali) oh-whoa, oh
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang, sabihin mong ako'y mahal mo rin

Ika'y mahal pa rin



Credits
Writer(s): Ronzel Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link