Muling Magbabalik

Minsan lang, ako'y mayro'ng natutunan
At hinding-hindi rin ikaw ang matatagpuan
Sana lang, ako'y may patutunguhan
At 'di maligaw sa buhos ng ulan

Tulad ng isang pag-ibig na hinilom ang sakit
'Di malilinlang ang puso kong sabik sa sandali

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon
Unti-unting dumadaing, sa piling mo'y uhaw pa rin
Sa paglayag, magbabalik, mararanasan ba'ng sakit?
Lumapit ka sa akin at hindi ka na lilisan pang muli

Sana lang, ako'y 'di mapag-iwanan
At 'di bumitaw sa 'yong mga kamay

Tulad ng isang pag-ibig na hinilom ang sakit
Hindi malilinlang ang puso kong sabik sa sandali

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon
Unti-unting dumadaing, sa piling mo'y uhaw pa rin
Sa paglayag, magbabalik, mararanasan ba'ng sakit?
Lumapit ka sa akin at hindi ka na lilisan pang muli

Hindi man maalis ang pagkukulang ko sa 'yo
Muling ibabalik ang pag-ibig sa ngalan mo

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon
Unti-unting dumadaing, sa piling mo'y uhaw pa rin
Sa paglayag, magbabalik, mararanasan ba'ng sakit?
Lumapit ka sa akin at hindi ka na lilisan pang muli

Sa paghayag ng puso kong naghihintay hanggang ngayon (sa paghayag ng puso kong lumimot sa iyo)
Unti-unting dumadaing, sa piling mo'y uhaw pa rin
Sa paglayag, magbabalik, mararanasan ba'ng sakit?
Lumapit ka sa akin at hindi ka na lilisan pang muli

(Muling magbabalik) lilisan kang muli
(Muling magbabalik) lilisan kang muli
(Muling magbabalik) lilisan kang muli
(Muling magbabalik) lilisan kang muli
Lilisan kang muli



Credits
Writer(s): Ronzel Benedict Tala Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link