Beshy

Sadyang mapagbiro ang tadhanang ito
Kung sino pang ayaw sa akin, napunta ang pagtingin ko
Ngayon ay umaasa ang puso ko
Na baka ako'y pansinin mo't bigyan ng pagkakataon

Matagal na rin akong may lihim na gusto
Ngunit di ko muna pinansin pagka't magkaibigan tayo
At noon ay may ibang may-ari ng iyong puso
Baka sakaling ngayon na ang aking pagkakataon

Ngunit kung di man ikaw ang makatuluyan
Di na muli akong magmamahal
Puso ko'y ngalan mo lang ang sinisigaw

Sana nama'y pagbigyan mo
ang aking munting kahilingan
na balang araw ay magiging akin ka
Nasa'yo na ang lahat
ng aking hinahanap-hanap
baka pwede namang ako nalang

Alam kong kaibigan lamang ang turing mo sa akin
Naiintindihan ko naman na ayaw mo pang umibig muli
Wag kang mag-alala, ako naman ay willing
Maghintay, let's just take it slow and easy

Ngunit kung di man ikaw ang makatuluyan
Di na muli akong magmamahal
Puso ko'y ngalan mo lang ang sinisigaw

Sana nama'y pagbigyan mo
ang aking munting kahilingan
na balang araw ay magiging akin ka
Nasa'yo na ang lahat
ng aking hinahanap-hanap
baka pwede namang ako nalang

Sana nama'y dumating din
ang araw na magbabago ang iyong
pagtingin sa akin, giliw
Baka naman pwedeng subukan
na ako'y iyong mahalin din
Nang higit pa sa isang "beshy"



Credits
Writer(s): Nico Miña
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link