Marupok

Heto na naman ako
Padalos-dalos na naman ba sa mga desisyon ko?
Lagi na lang ganito
Kapag pag-ibig ang usapan ay natatanga ako

Ano ba'ng mayro'n sa 'yo?
Napabalik ako kahit nagkandalabo-labo tayo

Minsan mo na 'kong nasaktan
May mga oras din tayong hindi nagkaintindihan
Sinubukan ka nang iwan
At pinilit malimutan ngunit 'di ko napigilan

Ang pagsintang nadarama
Sa halip na lumamig ay lalong nagbabaga

Ang puso kong marupok
Ikaw pa rin ang tinitibok, whoa-oh
Ang puso kong hibang
Ikaw pa rin ang aabangan
Paulit-ulit mang masaktan
Ikaw pa rin ang uuwian

Maraming beses nang nabigo sa pag-ibig
Ngunit para sa 'yo, giliw, ako'y susugal muli
'Di bale na kung walang kasiguraduhan
Basta't saan pa 'to patungo ay ikaw ang kasama

Huwag na sanang mawawala
Ngayong ako ay nagbalik, ayoko nang kumawala

Ang puso kong marupok
Ikaw pa rin ang tinitibok, whoa-oh
Ang puso kong hibang
Ikaw pa rin ang aabangan
Paulit-ulit mang masaktan
Ikaw pa rin ang uuwian

Sabihin na nilang ako'y tanga
Ano ba'ng magagawa kung hanggang ngayo'y mahal ka pa?
Ang mahalaga, masaya tayong dalawa

Ang puso kong marupok
Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso kong hibang
Ikaw pa rin ang aabangan ng pusong nasaktan
Ikaw pa rin ang uuwian kasi ako'y marupok para sa 'yo



Credits
Writer(s): Nicole Miña
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link