Mahou Shoujo

Nung unang beses ka pa lamang na makita
Binihag nang husto ang puso at ang aking bulsa
Kahit marami sayo'y nagwalang bahala
Ikaw ang nais, sa iyo lamang ako pupusta

O aking sinta
Ano ba'ng meron bakit kay ganda mo ipininta?
Kahit mag-iba
Handa nang lumipad para sa'yo

Kahit na ilang beses pa, makita ka na magpalit anyo
Pag-ibig ko'y 'di magbabago
Sa loob ng iyong mga mata nasulyapan ang kulay ng mundo
Pag-ibig ko'y 'di magbabago

Ating pag-ibig ay sadyang matalinhaga
Kahit anong gawin, hindi mabali aking tingin
Magiging monghe gumanda lang aking karma
Handang sumisid kahit pa kasama mga pating

O aking sinta
Ano ba'ng meron bakit kay ganda mo ipininta?
Kahit mag-iba
Handa nang lumipad para sa'yo

Kahit na ilang beses pa, makita ka na magpalit anyo
Pag-ibig ko'y 'di magbabago
Sa loob ng iyong mga mata nasulyapan ang kulay ng mundo
Pag-ibig ko'y 'di magbabago

At kung sakali na
Sabihin man nilang ako'y nababaliw
Sa tuwing ikaw ay makikitang nariyan
Sa aking paningin, nag-iisang gamot
Sa tuwing ako'y nalulungkot

Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link