Ahoy!

Sa bawat sisid, dibdib iniipit
Makita ko lang ang sagot
Sa pag "muro ami" ng pusong makisig
Iniwang wasak at takot

At kahit pa ipilit na hindi napansin
Ang bawat salita'y tila wala nang lambing
Pagod lang ba ang puso mo kaya hiniling
Na 'wag na munang kausapin
'Di kailanman pipilitin

Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason
Parehong dagat pero ba't iba ang alon?
Sa'king pagmamahal kailan kaya aahon?
Dahil bigla kang nag-iba
Pag gising ko, wala ka na

Sa'king pagtisod una ulo, nalunod
Nakatali pa ang paa
Ang bawat pangako pinako sa angkla
Pinagmimistulang tanga

At kahit pa ipilit na hindi napansin
Ang bawat salita'y tila wala nang lambing
Pagod lang ba ang puso mo kaya hiniling
Na 'wag na munang kausapin
'Di kailanman pipilitin

Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason
Parehong dagat pero ba't iba ang alon?
Sa'king pagmamahal kailan kaya aahon?
Dahil bigla kang nag-iba
Pag gising ko, wala ka na

Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason
Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason
Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason
Aking pag-ibig, ikaw ay lason

'Wag na munang kausapin
'Di kailanman pipilitin

Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason
Parehong dagat pero ba't iba ang alon?
Sa'king pagmamahal kailan kaya aahon?
Dahil bigla kang nag-iba
Pag gising ko, wala ka na

Pag gising ko, wala ka na
Pag gising ko, wala ka na
Pag gising ko, wala ka na



Credits
Writer(s): Jake Palmaso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link