Hanabi

'Wag namang paasa, mahalin mo ako
Pahingi ng konting sandali ng buhay mo
Kahit na ano pa'ng gawin, anino ka ng aking isip
Gusto ko laging nakikita ka, 'sama mo 'ko sa lahat ng trip

'Di na 'ko mapakali
Ayoko nang mawalay pa sa 'yong tabi

At lumiwanag na nga ang langit
'Tinadhana sa 'ting mga kamay
Mga bulaklak na kumulay sa langit
Una't huling pangitain

'Wag namang paasa, angkinin mo na ako
Baka-sakaling nasa akin na ang lahat ng hinahanap mo

'Di na 'ko mapakali

At lumiwanag na nga ang langit
'Tinadhana sa 'ting mga kamay
Mga bulaklak na kumulay sa langit
Una't huling pangitain

Nanlalamig ang mga palad ko
Sa yakap mo, napapawi lahat ng gulo

At lumiwanag na nga ang langit
'Tinadhana sa 'ting mga kamay
Mga bulaklak na kumulay sa langit
Una't huling, una't huling

At lumiwanag na nga ang langit
Gantimpalang ayaw mong sumugal
Mga bulaklak na sumabog sa langit
Una't huling pangitain



Credits
Writer(s): Raymund Sarkee Sarangay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link