Wala Nang Iba

Ano na naman ang nginunguyngoy mo?
May bad trip ba akong nagawa?
Saan ba nanggaling ang sama ng 'yong loob?
Nagtatampo ka lang ba sa wala?

Kung selos 'yan ay 'wag naman sana

Halika nga dito, tanggalin mo na ang galit
Ayokong nakikita kang nakasimangot at papangit ka
Oh mahal, 'wag ka nang mangamba
Ikaw lang, wala nang iba, ah

Alam mo naman na sa 'yo lang ako
Wala sa plano na sayangin ang lahat
Kung may marinig na matatalas ang bibig
Hayaan mo, mga baduy naman sila

Mangingibabaw ating pag-ibig

Halika nga dito, tanggalin mo na ang galit
Ayokong nakikita kang nakasimangot at papangit ka
Oh mahal, 'wag ka nang mangamba
Ikaw lang, wala nang iba, ah

Umiwas sa halik, pumiglas sa mga yakap
Tawagin mo na lang ako 'pag humupa na ang ulap, ah

Ano na naman ang nginunguyngoy mo?

Halika nga dito, tanggalin mo na ang galit
Ayokong nakikita kang nakasimangot at papangit ka
Oh mahal, 'wag ka nang mangamba
Ikaw lang, wala nang iba, ah

Halika nga dito, tanggalin mo na ang galit
Ayokong nakikita kang nakasimangot at papangit ka
Oh mahal, 'wag ka nang mangamba
Ikaw lang, wala nang iba

Ikaw lang, wala nang iba
Ikaw lang, wala nang iba



Credits
Writer(s): Raymund Sarkee Sarangay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link