Payaso - Live

Ooh

Paano na ang ating pangarap na pagbabago?
Lahat ng iyo'y naglaho at nagoyo tayo
Tayo'y pinaasa sa mga salitang mababango
Puro sila pangako, lahat nama'y napako

Panawagan ko lang sa inyo, sana'y magising na kayo
Tila tayo'y nasa sirko, bakit natin hinayaan 'to?

Kailan ba tayo madadala at mamumulat sa totoo?
Tigilan na'ng bulag-bulagan sa kanilang pang-iilusyon
Huwag nang hayaan pang muli nilang mapaikot ang ulo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

Iisa lang ang ating lupang sinilangan
Pero ngayon, bakit ako ang iyong tinatapakan?
Parang naglalaro, laging nagbibiro, pero 'di mabenta
Kung sino'ng unang pipikit, siguradong iisahan nila

Panawagan ko lang sa inyo, sana'y magising na kayo
Tila tayo'y nasa sirko, bakit natin hinayaan 'to?

Nakadilat, nakatulala pero 'di bumabangon
Sabay-sabay tayong tumayo't simulan na ang pagbabago
Hipan ang apoy ng kandilang dahan-dahang tutunaw sa 'yo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

Mga mata'y imulat niyo, buksan ang isip at puso
Pakinggan ang katotohanang pilit nilang binabaluktot
Ang ating kasaysayan, nais na ibaon sa limot
'Wag nating hayaan ang panlilinlang na magwagi sa dulo

At kung inyong itutuloy ang pagbibingi-bingihan
At dungisan ang inyong kapuwang nagmamahal sa bayan
Ito'y inyong tatandaan, kapag naisahan na naman
Wala kang pinagkaiba sa mga payaso mong sinamba

Kailan ba tayo madadala at mamumulat sa totoo?
Tigilan na'ng bulag-bulagan sa kanilang pang-iilusyon
Huwag nang hayaan pang muli nilang mapaikot ang ulo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

(Nakadilat) nakatulala pero 'di bumabangon
(Sabay-sabay) tayong tumayo't simulan na ang pagbabago
(Hipan ang apoy) ng kandilang dahan-dahang tutunaw sa 'yo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

'Wag nang paloko sa payaso
Maawa ka sa kapuwa mo
Napako lang mga pangako
'Wag nang iluklok sa puwesto

'Wag nang paloko sa payaso
Maawa ka sa bayan mo
Napako lang mga pangako
Pabagsakin na sa puwesto



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link