Kamusta Ka Na

Kumusta ka na? Miss na kita
Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa
Oh, kumusta ka na? Kay tagal na
Ikaw pa rin ba 'yung katulad noon?
Kamusta ka na?

Kumusta? Kay tagal nating hindi nagkita
Parang alasais ng gabi, anong balita?
Sumasakit ang tuhod, kaya mo pa bang sumipa?
Baga na bakal, pero nagkaroon din ng hika
Naaalala mo pa ba no'ng nananaginip ka nang gising?
Humiling sa t'wing mag-isa

Magaling, magaling, 'yan ang sabi nila
Bituing maningning ay mabibilang ka
Pero pa'no batang probinsyano?
'Di naman ako pinanganak na areglado
Pero tinaguyod kami kahit na papa'no
Ni Nanay at Tatay na ginawang Bus ang Eroplano

Hanggang sa pinili ko ang rap nang walang pagpapanggap
Hindi galing tate ang cap, kaya 'di ako matanggap
Parang trabaho na in-apply-an, naglalakad sa Morayta, pare hiphop ba 'yan? (Hiphop)
Ang gusto kong maging aking binantayan
Kahit natutulog ay inasinta ko 'yan, mga sinilungan at mga natambayan
Kung mayro'n mang nalampasan ay ating balikan (ating balikan)

Kumusta ka na? Miss na kita
Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa
Oh, kumusta ka na? Kay tagal na
Ikaw pa rin ba 'yung katulad noon?
Kamusta ka na?

Hiram na sapatos at damit, maluwag o masikip
Ang madalas na bago lamang sa akin ay gupit
Paulit-ulit, sige, tawagin mo 'kong makulit
Kahit na sungitan ay nananatiling mabait
At magalang sa kausap, opo, sige, okay lang
Kahit ang kapeng pinapa-inom sa 'kin matabang
Tula na isinulat, matagal na pinaghandaan

Ako na po ba? Kaso lang, minamaya-maya ka lang
Dagdagan ang diskarte kasi, kasi kulang ang pamasahe
Talagang malas kasi nakatapak pa ng tae
Kung kapos ang 'yong baong pera, pati pantalon
Limang daan lang ang kinita mo sa show, ayos lang 'yun
Tapos Swelas ay nganga, galingan mo, kulang pa
Mas sikat sila at magaling, marami pang iba

'Di nagpatinag kahit ano man ang sabihin nila
Ang nasa bulsa ay ako lang ang may dala-dala
Gusto kong maging binantayan
Kahit natutulog ay inasinta ko 'yan
Mga sinilungan at mga natambayan
Kung mayro'n mang nalampasan ay ating balikan (ating balikan)

Kumusta ka na? Miss na kita
Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa
Oh, kumusta ka na? Kay tagal na
Ikaw pa rin ba 'yung katulad noon?
Kamusta ka na?

Kumusta ka na?
Miss na kita
Ako nga pala si Gloc
Naaalala mo pa ba?

Ang lahat ng mga napagdaanan natin noon
Mula dekada '90 hanggang umabot ngayon
2023, bumagal ang mabilis
Kahit pa yabangan mo ako'y 'di na maiinis
'Di na sumasali sa debate, wala nang interes
Sa usapan na kung sino ang the best (hiphop)



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link