RESBAK (feat. Shanti Dope, CLR, Omar Baliw & Pricetagg)

Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

Kung ano man ang amin, 'di namin akalain
Binuhos lang ang sipag na may luha sa pasanin
Madami man ang talo at galos sa mukha ko
Tayo lang, punas at pagpag
Kukunin sa tiyaga ko

Ako ay bata na taga, binangonan mula pa
Noon ay nakahiligan ko na na dumura sa
Mikropono hanggang sa tuluyan akong mahasa
Paulit-ulit, inukit pero 'di namihasa

Umasa palibhasa may laway lamang ang ginamit
Lapit na madagok tugma na nakakakulawit
Subalit lait na pangit palagi kang pinapatid
'Di ka makausad dahil napakaraming balakid

'Di bale na, may pagkakataon ka pa na iba
Natutong magpahinga kahit na 'di nakahiga
Kapag 'di sigurado, 'wag masyadong mabalisa
Basta't sinimulan, darating ka sa kabila

Tapos o 'di tapos
Sa abot o kapos
Umawit nang umawit hanggang sa mapaos
Tandaan parang utos kandila na ubos
Kapag puwede kang sumikat ay puwede ka ring malaos

Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

Galing ng impyerno bago mapunta sa cloud-9
Isang berdeng lumilinya bago pa ako ma-flat line
Sa karera 'di tumigil binangga ko na 'yung stop sign
Lahat magkaka death threat kapag ang hawak ko ay Glock-9

Kahit mainit, pinilit sumingit malalim sumisid
Sa bugtong 'di nagpasirit kahit mabwisit
Pinilit alay pawis at dugo sumisirit
Kahit lubok 'di gumilid, sa bangka humihirit

'Di masisibat ang daming nagugulat
May paningin pero bulag kaya hindi namulat
Paligid puro ahas lumaki ako sa gubat
Inggit ang dahilan ba't 'di naghilom mga sugat

Mga walang bilib
Lahat ay umiling (yeah)
Lahat ay trinabaho ko
Hindi puro hiling
Dami nang nagalit nu'ng ako pa 'yung may narating
I'm the sickest in this game kaya hindi na gumaling (gumaling)

Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

Puwede mong isuot sapatos ko sandali
Nang malaman dinaanan, 'di talaga madali
Walang tinapakan, derecho lang aking lakad
Walang kasiguraduhan pero walang alinlangan
Na sumubok kasi alam ko na may mapapala

Alam mo sa'n nanggaling kaya walang mawawala
Tapos sa ibang lebel pa pala 'to madadala
Kaya sabi ko kay nanay ay 'wag na mag-alala
Ako na bahala, tingnan mo anak mo bituwin

Simula pa lang lahat, walang balak pahintuin
Sa harang palikuin, sa tama palingunin
May mga bagay na dapat itama't balikuin
Alam ko na dahan-dahan darating sa nararapat
Kung para sa iyo talaga, hindi maaawat
Parang kelan lang ngayon lahat, nagbunga na
Kung dati nasa dulo, ngayon ay nanguna na

Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan (yeah, yeah, yeah)

'Di ko pinagdudahan ang aking sarili
Sa paghakot ng pabuya ako'y nawiwili
Jackpot parati, 'di tulad ng dati
Kita mo ang resulta kahit 'di ko sinasabi

Gigibain, bibiyakin, titibagin lahat gagawin
At titiyakin lahat tatawirin sa sagupa pa rin kahit maraming pating
Hanggang sa makarating sa pampang
Ngayon ay nakalutang sa ere sapagkat mahal na ang kada hakbang
Sa lupa, oh, 'di ba? Madalas niyong inuusisa

Tinapos ko na kahit 'di ako ang nag-umpisa
Nilagari ko ang mapa kahit 'di ko kabisa
Palihim paring naggugunita at medyo malayo-layo na
Kumusta na ang mga dating nagdududa?
Bumigat ang timbang dahil sa laman ng bulsa
Kahit manalo o matalo man sa laro ay dako parin ang akong gugma

Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

'Di na nila 'to mapipigilan
Sumugal, walang pinagsisihan
'Di mo din maalis sa isipan
Sinakal 'yung rap game pinanggigilan

Na parang 'yung babaeng malandi
Kasi kung sa'n ako galing, ayoko na bumalik
'Yung parang basahang damit
'Yung parang tadhana galit
Akala nila madali
Nakakasira ng bait, yeah

'Yung mga panahong hindi ako swinerte
Nawalan ng luha sa edad na disinwebe
Gininaw 'yung puso na parang laging disyembre
Iba 'to sa Shanti na nakita mo sa lente

Madami-daming pinagpuyatang gabi (ilang gabi?)
Kaharap sa mesa 'yung panulat kagabi (walang pake)
Bago kong makuha 'yung miliyon, 'di madali ('di madali)
Kaya tinawanan ko sila lahat kasi

Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link