Yakap

Bakit ba ako nanghihina
Tuwing nababanggit ka?
Ang puso'y nagwawala

Giliw, bakit ba nakakalunod
Ang iyong ganda?
Gusto ko lang sabihin na

Yakapin mo ako nang mahigpit
'Wag ka nang bibitaw kahit saglit
Ikaw na ang mahal, naghintay nang matagal
Ikaw na ang aking 'pinagdasal

Sabihin mo naman ang gagawin
Wala namang ibang hihilingin
Wala na ngang iba, ikaw lang nga, sinta
Mahalin mo lang ako, at mamahalin kita

Sabi mo sa akin dati
May gusto ka pang iba
Pero alam kong nahihiya

Hindi mo talaga matatago
Kung ano'ng sinisigaw ng puso
Kaya wala nang makakatakas dito

Yakapin mo ako nang mahigpit
'Wag ka nang bibitaw kahit saglit
Ikaw na ang mahal, naghintay nang matagal
Ikaw na ang aking 'pinagdasal

Sabihin mo naman ang gagawin
Wala namang ibang hihilingin
Wala na ngang iba, ikaw lang nga, sinta
Mahalin mo lang ako, at mamahalin kita



Credits
Writer(s): Tabudlo Zack Nimrod D.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link