Iba Pala

Napapangiti ako
Sa tuwing nababasa ko
Mga liham na tinatago mo

Hindi kasi halata sayo
Mahal mo pala ako
Ng wagas at totoo

Akala ko kase noon
Na napilitan ka lang
Na ako ay pagbigyan

O kay saya palang malaman
Mahal ka ng 'yong mahal
Ramdam ko sa bawat linya
Ang pag ibig na wagas
At kahit di mo ipakita
Kahit na nahihiya
Alam kong ako lang ang sinisinta
At wala nang iba

Napapangiti ako
Sa tuwing nakikita ko
Na pinipigilan mo

Ang tunay na damdamin mo
Ilabas mo nalang kaya
Paninindigan naman kita

Akala ko kase noon
Na napilitan ka lang
Na ako ay pagbigyan

Kay saya palang malaman
Mahal ka ng 'yong mahal
Ramdam ko sa bawat linya
Ang pag ibig na wagas
At kahit di mo ipakita
Kahit na nahihiya
Alam kong ako lang ang sinisinta
At wala nang iba

At nung nabasa ko ang lahat
Ay aking napagtanto
Na hindi pala ako

Ang laman ng mga liham mo
Para sa iba pala
Lahat ng sinulat mo

O kay sakit palang malaman
May mahal ka ng iba
Ramdam ko sa bawat linya
Na kayo'y tinadhana
At kahit di mo ipakita
Kahit itanggi mo pa
Alam ko siya ang iyong sinisinta
Hindi mo na kailangan magpanggap
Pagkat Malaya Ka na



Credits
Writer(s): Jason Marvin Hernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link