Huwag Kang Lalapit

Huwag kang lalapit, diyan ka lang at baka makita ang lahat
Ng aking kahinaan na pilit kong tinakpan
At kung malaman mo kaya mga kasalanang nagawa
Kaya bang matanggap 'pag 'di na 'ko nagpanggap?

'Di na 'ko 'yon
Sana mabigyan ng pagkakataon

Iibigin mo pa ba ako?
Pipiliin mo pa ba ito?
Nakaraang pinagsisihan
Gusto ko nang makalimutan
Hanggang diyan ka na lang
Kung ayaw mong masaktan

Huwag kang lalapit, diyan ka lang, ayoko magbago
Kung paano mo ako pagmasdan, walang pag-aalangan
At kung ilahad kaya sa 'yo ang tunay na pagkatao ko
Matatanggap mo pa ba kung sino 'ko talaga?

Hindi na 'ko 'yon
Sana mabigyan ng pagkakataon

Iibigin mo pa ba ako?
Pipiliin mo pa ba ito?
Nakaraang pinagsisihan
Gusto ko nang makalimutan
Hanggang diyan ka na lang
Kung ayaw mong masaktan

Hindi na 'ko 'yon
Sana mabigyan ng pagkakataon

Iibigin muna ang sarili ko
Hahayaan munang maghilom
Aalamin kung sino ba 'ko
Aalamin ang totoo
Hanggang diyan ka muna
Ayaw kitang masaktan



Credits
Writer(s): Jason Marvin Hernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link