Sa Simula

Nung una, gusto mo laging makita
Ngayon parang napipilitang ngumiti pag ako ay nasilayan
Nung una namamasyal nang kay ligaya
Ngayon hindi na, makapag hintay na umuwi na
Nung una, nakikinig saking nobela
Ngayon hindi ka makatiis sa munti kong storya

Ano bang kulang?
Ako ba'y kulang?

Nung una, kay lambing pag magkasama
Ngayon tila, naiinip saking mga tawa
At ba't hindi na, natutuwa sa mga sorpresa
Dati'y kay sigla at halos mapaluha

Pag-ibig ba'y nagkulang
Ako ba'y nag-kulang?

Ano bang kulang?
Ako ba'y kulang?

Sana'y bumalik ang kahapon
Nung ako pa'y mahalaga
Nung ako'y mahal pa

Pag-ibig ba'y nagkulang
Ako ba'y nag-kulang?

Ano bang kulang?
Ako ba'y kulang?
Ako ba'y?



Credits
Writer(s): Karen Minerva Seda, Krista Giselle Seda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link