Ambon

Oooooh ooooh

Kay himbing ng mga idlip
Dinig pa ang bulong mo saking
"Kahit sa ambon, 'kay papayungan ko"

Kay kulay ng takipsilim
Sabay sabi mo sa akin
"Malamig ang hamog, dito ka lang sakin"

Kay sungit ng mga bituin
Tinupad ang pangako saking
"Sa gitna ng lamig, 'kay kukumutan ko"

Nung lumapit ka, ulan ay humina
Nung yumakap ka, baha ay humupa
Nung hinagkan ka, bagyo ay tumila

Oooh oooh

Ambon sa maghapon
Binaha na aking damdamin
Ika'y tinawag ko at pinayungan mo

Ulang di tumitigil
Sabay ang akap mo sa akin
Saking pagmulat, langit kay liwanag

Ako nga'y 'yong nakamtam
At di napagod sa akin
Sa aking bagyo, ika'y di sumuko

Nung lumapit ka, ulan ay humina
Nung yumakap ka, baha ay humupa
Nung hinagkan ka, bagyo ay tumila

Oooh oooh

Kay lambing ng mga idlip
Dinig pa ang bulong mo saking
"Kahit sa ambon, 'kay papayungan ko"



Credits
Writer(s): Karen Minerva Seda, Krista Giselle Seda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link