Saan Kakapit

'Di ko na ulit makita ang daan
'Kala mo nasa alapaap na, pare, usok lang 'yan
Hindi rin siya gaano kagaan
Mahirap rin naman, kahit wala nang ulan

Wala nang malapit, kung madulas, sa'n kakapit?
At kahit mainit, giniginaw na ako

Nababaliw na ako
Kamusta kayo?
Nababaliw na ako

Kailan ba babalik ang tag-ulan?
Inaabangan na baka mahalikan na ng araw ang buwan

Wala nang malapit, kung madulas, sa'n kakapit?
At kahit mainit, giniginaw na ako

Nababaliw na ako
Sino ba'ng aamin? Kalimutan na lang natin
Patangay na lang sa hangin, giniginaw na ako

Nababaliw na ako
Nababaliw na ako
Nababaliw na ako
Nababaliw na ako

Nababaliw na ako
Ba't ba pinili ko 'to?
Kamusta na ba kayo?
Nababaliw na ako



Credits
Writer(s): Pio Antonio Benitez Dumayas, Raymond Benedict Jovellano King, David Ligad Yuhico
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link