Langit

Kalangita'y kumukulimlim na naman
Sa aking pag-iyak, muli na sasabay
Kamalasang dulot ng kapabayaan
Pilit na nagpapaalala ng kawalan

Luha'y tumulo nang 'di namamalayan
Binalak na iwanan ang nakaraan
Karanasang 'di lubos naunawaan
Akin ngang pagsusumikapang kalimutan

Saan ako nagkulang? Hindi ko maunawaan
Ako'y nahihirapan, hangad na malinawan

Ooh
Ooh

'Di na dapat pang ito'y aking isipin
Mahihirapang lubos, aking damdamin
Siya ang langit na lumiwanag sa 'kin
Ngunit siya rin ang langit na nagpabagsak sa akin

Saan ako nagkulang? Hindi ko maunawaan
Ako'y nahihirapan, hangad na malinawan
Hiling ko lang naman ay ako ay masamahan
Sa langit ng pagmamahal, 'di na lilisan

Ooh
Ooh
Ooh
Ooh

Kalangita'y kumukulimlim na naman
Sa aking pag-iyak, muli na sasabay
Kamalasang dulot ng kapabayaan
Pilit na nagpapaalala ng kawalan



Credits
Writer(s): Eleazar James Galope
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link