Niyebe

Huwag kang matakot bumangon, limutin na ang pagtapon
Akin na'ng kamay mo't sabay tayong umahon
Ang gabi'y hindi maaagaw, magkasama hanggang umaraw
Magkahawak-kamay na iiwanan ang kahapon

Pero kung sa isip lang magaganap
Kahit gising, ako'y mangangarap
Iisiping

Magkatagpo tayong dalawa
Kahit hindi tayo itinadhana
Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
Ang puso ko'y iyong iyo

Pagod na rin na magpanggap, sabik na 'ko sa 'yong yakap
At mahawakan ang kamay mo't 'di na bibitawan
Kung sabihin man ang pagtingin, sana sa 'yo ay ayos din
Magkahawak-kamay na hahamunin ang kapalaran

Pero kung sa isip lang magaganap
Kahit gising, ako'y mangangarap
Iisiping

Magkatagpo tayong dalawa
Kahit hindi tayo itinadhana
Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
Ang puso ko'y iyong iyo

Magawa man nilang ika'y maliitin
Iba ka sa nalalabing mga bituin
Ikaw ma'y niyebeng 'di mahuhulog sa 'kin
Pipiliting

Magkatagpo tayong dalawa
Kahit hindi tayo itinadhana
Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
Ng puso kong pinipilit

Magkatagpo tayong dalawa
Kahit hindi tayo itinadhana
Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
Ng puso kong iyong iyo



Credits
Writer(s): Eleazar James Galope
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link