Ayoko Na Sana

Nawalan na nang sigla
Lumbay ang nadarama
Magmula ng mawala ka
Nais ng mawalan ng pag-asa

Gusto ko nang makalaya
Kailan ba magagawa

Ayoko na, Ayoko na sana
Sana'y di naranasan
Kung paano lumigaya
Nung ika'y kapiling pa
Ngayon ako'y nag-iisa

Sinusubukan kong magsimula muli
Buhayin ang puso ko
Baka sa kanya mabaling
Ang aking pagtingin, ahh

Ngunit ang hinahanap
Ay palaging ikaw pa rin, oohh ahh

Ayoko na, Ayoko na sana
Sana'y di naranasan
Kung paano lumigaya
Nung ika'y kapiling pa
Ngayon ako'y nag-iisa

Ngayong iniwan mo
Ang lahat ay gumuho
Pa'no magpapatuloy pa
Kung nangarap akong kasama ka

Ayoko na, Ayoko na sana
Sana'y di naranasan
Kung paano lumigaya
Nang ika'y kapiling pa
Ngayon ako'y nag-iisa ahh
Ayoko na, Ayoko na sana
Sana'y di naranasan
Kung paano lumigaya
Nung ika'y kapiling pa
Ngayon ako'y nag-iisa

Ohh



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link