Hayaan Na Lang Kita

Isang araw pa
Nasasanay na akong wala ka na
Unti-unti nang napapawi
Ang luhang di ko matahan pa, oohh

Isang araw pa
Baka sakali na masabi ko na
Sa isip ko ay burado na
Hindi na kita hahanapin pa, ohh

Hahayaan na lang kita
Kung ito ang gusto mo
Maaaring sa umaga paggising ko
Wala ka na sa ala-ala
Hayaan na lang kita

Isang araw pa
Kakayanin ko nang lumayo
Sa bawat iwas mo ay wala nang pait
Pangalan mo'y di na mababanggit, oohh

Isang araw pa
Maaamin kong tayo'y tapos na
Hindi tayo para sa isa't-isa
Dahil may mahal ka nang iba, oohh

Hahayaan na lang kita
Kung iyan ang gusto mo
Maaaring bukas ay susulong na ako
Aahon na sa pagkalunod
Hayaan na lang kita

Darating ang araw
Malilimot rin kita
Isa ka na lang bahagi ng ala-ala
Dumidinig ako sa Kanya
Bigyan ako ng lakas
Na limutin ka

Hahayaan na lang kita
Kung ito ang gusto mo
Maaaring sa umaga paggising ko
Wala ka na sa ala-ala
Hayaan na lang kita
Hahayaan na lang kita
Kung iyan ang gusto mo
Maaaring bukas ay susulong na ako
Aahon na sa pagkalunod
Hayaan na lang kita

Hayaan na lang kita, oohh



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link