Muntik Nang Maabot Ang Langit

Muntik nang maabot ang langit
At makupkop ka sa aking mga kamay
Karapat-dapat nga bang mapasa-akin
Ang pag-ibig na iyong taglay?

Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
Upang ang 'yong puso ay aking makamit
Muntik nang maabot ang langit

Walang papantay sa aking katapatan
Higit pa talaga sa kanilang kayamanan
Saan nga ba ako nagkamali
At ako ay iyong pinahirapan?

Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
Upang ang 'yong puso ay aking makamit
Muntik nang maabot ang langit

Kung ang langit sa 'yong puso
Muntik nang mailapit
Ngunit ikaw ngayo'y
Alaalang kay pait

Muntik nang maabot ang langit
Muntik nang maabot ang langit



Credits
Writer(s): Medwin Marfil, Ferdinand Marquez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link