Pangako

Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata?
Ako kaya'y 'di nais makapiling sinta?
'Di mo ba pansin ako sayo'y may pagtingin?
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

Ikaw kaya'y hindi mapalagay
At ang puso mo'y nalulumbay?
Hayaan mo pag-iingatan ko ito
At para sayo'y mayrong pangako

Pangako hindi kita iiwan
Pangako 'di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama

Ano itong nadarama ko?
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sa 'yo?
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala

Siyang tunay ang nadarama ko
Pag-ibig na hindi maglalaho
Ang aking puso iyong-iyo
At para sa 'yo'y mayrong pangako

Pangako hindi kita iiwan
Pangako 'di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa

Pangako hindi kita iiwan
Pangako 'di ko pababayaan
Pangakong hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama

Pangako



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link