Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat?
Ang init ng pagmamahal parang naging salat

Pangako, habang-buhay
Pangakong 'di magwawalay
Ngunit ba't lumamig pagmamahal?
Parang 'di na ikaw sa Maykapal ang dinasal

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon, tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban?
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?

Nasa'n ang sumpaan?
Akala ko ay walang hanggan
Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan?
Hanggang dito na lang ba ang ating walang hanggan?

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon, tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban?
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?

Ano'ng nangyari?



Credits
Writer(s): Jovinor Tan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link