Sana'y Magbalik

Bawat sandali, hindi mapakali
Hinahanap kita
Yakap mo't mga halik, ba't 'di na madama?

Bigla kang nawala na para bang bula
'Di man lang nagpaalam
'Di ka ba nag-aalala, damdamin ko'y nasasaktan?

Araw at gabi, wala ka na sa 'king tabi
Paano na ako? Paano na tayo?
Sana'y magbalik, maghihintay ako sa 'yo
Puso'y magtitiis kahit 'di ko alam ang 'yong pagbabalik

Kapag nag-iisa, naalala ka
Umiiyak na lang
Iniwan mong 'di ko alam ang dahilan, oh-oh, whoa

Kung nasaktan man kita kaya lumisan ka
'Di ko sinasadya
Alam kong dito sa puso ko'y mahal kita

Araw at gabi (araw at gabi), wala ka na sa 'king tabi
Paano na ako? Paano na tayo?
Sana'y magbalik (sana'y magbalik), maghihintay ako sa 'yo
Puso'y magtitiis kahit 'di ko alam ang 'yong pagbabalik

Oh, oh
Araw at gabi, wala ka na sa 'king tabi
Paano na ako? Paano na tayo?
Sana'y magbalik (sana'y magbalik), maghihintay ako sa 'yo
Puso'y magtitiis kahit 'di ko alam ang 'yong pagbabalik

Maghihintay ako sa 'yo
Puso'y magtitiis kahit 'di ko alam ang 'yong pagbabalik
Oh, whoa



Credits
Writer(s): Arman Alferez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link