Kung Akoy Iiwan mo

Kung ako'y iiwan mo, kung ako'y iiwan mo
Sana'y dalhin mo rin ang puso ko
Na 'di ring titibok kung 'di sa 'yo
Ang kagandahan ng ating mundo dalhin mo rin paglisan mo

Landas ng pag-iisa, tatahakin ko, aking sinta
Upang 'di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala
Ngunit, saan ako tutungo pa na 'di kita makikita?

Kung ako'y iiwan mo, kung ako'y iiwan mo
Matitiis ko ba muli pang mag-isa
Kapag wala ka na, aking sinta?

Pa'no ang gabi kung 'di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan?
At may umaga ba sa 'ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at 'di na magisnan?

Pa'no ang gabi kung 'di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan?
At may umaga ba sa 'ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at 'di na magisnan?

Kung ako'y iiwan mo, kung ako'y iiwan mo
Matitiis ko ba muli pang mag-isa
Kapag wala ka na, aking sinta?

Pa'no ang gabi kung 'di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan?
At may umaga ba sa 'ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at 'di na magisnan?

May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya kapag ika'y wala?
Ang buhay ko kaya ay 'di madali?

Kung ako'y iiwan mo



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link