Ika'y Mahal Pa Rin

Kailangan ba na magwakas itong pag-ibig?
Bukas kaya'y wala ka na sa 'king isip?
Hindi mo ba naaalala ang mga kahapon
Na dati ay anong saya't anong tamis?

Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang
Ngunit sa 'ting mga mata, ito'y kalabisan lamang
Patuloy na masasaktan ang mga puso
Oh, bakit kay sakit pa rin ng paglayo?

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aamining
Ika'y mahal pa rin

At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na dapat natin pang dayain
Hayaan nating puso ang magpasya

Wala na bang puwang sa 'yo ang aking puso?
Wala na bang ganap ang dating pagsuyo?
Mali ba ang maging tapat sa mga pangako?
Sa atin ang lahat kaya'y isang laro?

Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang
Ngunit sa 'ting mga mata, ito'y kalabisan lamang
Patuloy na masasaktan ang mga puso
Oh, bakit kay sakit pa rin ng paglayo?

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aamining
Ika'y mahal pa rin

At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na dapat natin pang dayain
Hayaan nating puso ang magpasya

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aamining
Ika'y mahal pa rin

At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na dapat natin pang dayain
Puso ang magpapasya

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aamining
Ika'y mahal pa rin

At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na dapat natin pang dayain
Hayaan nating puso ang magpasya



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link